5 Talata sa Bibliya tungkol sa Pag-aalsa
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad;
At nag-sangusapan sila, Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y magbalik sa Egipto.
Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla.
At sinabi ng hari, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Ahimelech, ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama. At sinabi ng hari sa bantay na nangakatayo sa palibot niya, Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon; sapagka't ang kanilang kamay man ay sumasa kay David, at sapagka't kanilang nalaman na siya'y tumakas, at hindi nila ipinakilala sa akin. Nguni't hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon.
Mga Paksa sa Pag-aalsa
Pag-aalsa
Mga Bilang 16:1Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao: